Dumalo sa xmas party, tiklo sa boga
- BULGAR
- Dec 24, 2021
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | December 24, 2021
AKLAN—Arestado ang isang lalaki na dumalo sa Christmas party nang makumpiskahan ng baril at mga bala kamakalawa sa Bgy. Feliciano, Balete.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Sherio Gervacio, nasa hustong edad at residente ng nabanggit na barangay.
Nabatid na habang nasa Christmas party sa kanilang barangay si Gervacio ay napuna ng ilang residente na may nakasukbit itong baril kaya ini-report ito sa pulisya.
Kaagad rumesponde ang mga awtoridad at nang kapkapan si Gervacio ay nakumpiskahan ito ng .45 pistola at mga bala.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments