Dudang iiwanan ng BF dahil ibinigay ang pagkababae, ‘di dapat matakot dahil compatible
- BULGAR

- Jul 22, 2020
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| July 22, 2020

KATANUNGAN
May boyfriend ako ngayon at mahal na mahal ko siya, kaya kahit labag sa kalooban ko, naibigay ko na sa kanya ang aking pagkababae. Pero ganu’n pala ‘yun, mula nang maibigay ko sa kanya ang aking pagkababae, parang palagi nang may takot sa aking isipan na mawala siya at bigla na lang niya akong iwanan.
Gusto kong ipabasa sa inyo ang aking mga palad upang malaman ang aking kapalaran, siya na ba ang makakatuluyan ko at makakasama habambuhay?
KASAGUTAN
Walang problema kung naibigay mo man sa boyfriend mo ang iyong pagkababae, at ngayon ay natatakot kang iwanan niya at mawala siya sa iyo, sapagkat ang nakatutuwa, iisa lang naman ang mahaba, malinaw at makapal na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.
Nangangahulugang malaki ang posibilidad na kung siya ang iyong first love, first romance at kung matagal na ang inyong quality at meaningful relationship, tiyak ang magaganap, kayo na ang magkakatuluyan at nakatakdang magsama habambuhay.
Ang pag-aanalisang puwedeng kayo na ang itinakda ng kapalaran sa isa’t isa ay madali namang kinumpirma ng zodiac sign mong Libra at Aquarius naman ang boyfriend mo kung saan bukod sa compatible ang Aquarius at Libra dahil kapwa sila nagtataglay ng elementong earth o lupa, sa pang-istatistikang tala, maraming Libra at Aquarius ang nagkatuluyan at nagsama habambuhay at naging maunlad at maligaya (Drawing A. at B. h-h arrow b.).
DAPAT GAWIN
Kaya, Ruby ayon sa iyong mga datos, tiyak ang magaganap—sa itinakdang panahon ng kapalaran, humigit kumulang sa 2022 hanggang 2023 sa edad mong 27 pataas, kayo na ng kasalukuyan mong boyfriend ang magkakatuluyan at magsasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.







Comments