top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Duda sa closeness ng dalagitang anak at binatilyong pamangkin

BULGAR
Apr 18, 2022
2 min read

ni Sister Isabel del Mundo - @MgaKuwentongBuhayatPag-ibig | April 18, 2022


Dear Sister Isabel,


Gulong-gulo ang ako sa dinaranas kong malaking suliranin. Nagsimula ito nang magkaroon ng menstrual period ang anak kong 10-anyos. Napansin ko na madalas silang magkadikit o magkatabi ng kanyang pinsan na rito sa bahay namin nakatira. Ang sabi ay magbabakasyon lang, pero rito na raw siya titira dahil malapit ito sa Maritime school na gusto niyang pasukan.


Hindi ko naman masabing hindi siya dapat sa amin tumira at umuwi na lang siya sa tatay niya. ‘Yung nanay niya kasi ay nasa abroad at hindi ko masabi dahil ang sabi ng mister ko, hayaan siya sa amin tumira para may kasama kaming lalaki sa bahay habang nakasakay siya sa barko.


Ang iniisip ko ay delikado sa anak naming babae na palaging nakadikit sa pinsan niyang 18-anyos, lalo na’t napansin kong close na close na sila. Sinabihan ko ang anak ko na dumistansiya sa pinsan niya dahil dalaga na siya, pero hindi niya ito pinapansin. Hindi ko mapigilan, talagang nag-aalala ako na baka mabuntis nang wala sa panahon ang anak ko dahil alam naman natin ang mga kabataan ngayon, lalo na ‘pag umaalis ako at sila lang ang naiiwan sa bahay.

Ilang beses ko nang pinapaliwanagan ang anak ko, pero isip bata pa talaga siya at balewala sa kanya ang pangaral ko. Ano ang dapat kong gawin?


Nagpapasalamat,

Lorna ng Sta. Cruz, Manila



Sa iyo, Lorna,


Ang pinakamaganda mong magagawa ay sabihin sa asawa mo ang tunay na sitwasyon sa loob ng tahanan n’yo. Kapag tumawag siya, ikuwento mo ang lahat ng ipinag-aalala mo. Siya ang bahalang mag-isip ng paraan kung paano sasabihin sa pamangkin niya sa paraang hindi ito magtatampo sa kanya. Natitiyak kong maipapaliwanag ng asawa mo sa pamangkin niya ang nararapat na remedyo para hindi ka na nag-aalala. Ipanatag mo ang iyong loob.


Kayang-kaya ng asawa mong harapin at gawan ng solusyon ang pinoproblema mo ngayon. Alagaan mo ang iyong kalusugan, baka magkasakit ka sa sobrang stress at madagdagan pa ang problema mo.



Sumasaiyo,

Sister Isabel del Mundo


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page