Drug trafficker, todas sa drug-bust

@Balitang Probinsiya | November 3, 2020
LAGUNA—Isang drug trafficker ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa mga awtoridad na nagsagawa ng drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Sta. Clara Sur, Pila.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Joeffer Alba, residente ng Maharlika Village sa Taguig City.
Ayon sa ulat, darakpin sana ng pulisya si Alba sa drug-bust operation, pero bigla nitong pinagbabaril ang mga awtoridad.
Nabatid na mabilis na nakaganti ng putok ang mga operatiba kaya napatay ang ang suspek.
Nakakumpiska ng limang gramo ng shabu, baril at mga bala sa pinangyarihan ng insidente.



Comments