Drug trafficker, nasakote
- BULGAR
- Mar 3, 2024
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | ngayong Marso 3, 2024
CAVITE -- Isang drug trafficker ang nadakip sa drug-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Brgy. Talaba 1, Bacoor City sa lalawigang ito.
Itinago na muna ang suspek sa alyas na “Pedro”, nasa hustong gulang habang iniimbestigahan ito ng mga otoridad.
Ayon sa ulat, an suspek ay nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya sa naturang lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang mga otoridad ng 500 gramo ng hinihinalang shabu at marked money sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments