Drug trafficker, nasakote
- BULGAR
- Oct 14, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | October 14, 2023
QUEZON -- Isang drug trafficker ang naaresto sa buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Ilayang-Iyam, Lucena City sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ng mga awtoridad ang suspek habang isinasailalim ito sa masusing imbestigasyon.
Ayon sa ulat, naaresto ang suspek nang pagbentahan nito ng umano’y shabu ang mga operatibang nagpanggap na buyer ng droga.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 75 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments