Drug trafficker, huli sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | ngayong Marso 17, 2024
QUEZON -- Isang drug trafficker ang naaresto sa buy-bust operation ng mga otoridad kamakalawa sa Brgy. 9, Lucena City sa lalawigang ito.
Kinilala lang ng mga otoridad ang suspek sa alyas na “Mak”, nasa hustong gulang habang iniimbestigahan pa ito sa himpilan ng pulisya.
Ayon sa ulat, nadakip ang suspek sa isinagawang drug-bust operation nang pagbentahan niya ng umano’y shabu ang mga operatibang nagpanggap na buyer.
Napag-alaman na nakakumpiska ang mga otoridad ng 18 gramo ng hinihinalang shabu at marked money sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments