Drug trafficker arestado
@Balitang Probinsiya | May 26, 2023
NEGROS OCCIDENTAL—Isang drug trafficker ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. 2. Bacolod City sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Jeo Tongoy, nasa hustong gulang at nakatira sa naturang lungsod.
Ayon sa ulat, naaresto ang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba sa nabanggit na barangay.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 106 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Tongoy na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2022.



Comments