Drug pusher huli sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | March 19, 2023
CAPIZ—Isang drug pusher ang naaresto sa buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Banica, Roxas City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Mark John dela Cruz, nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba, at nang bentahan sila ng droga ni Dela Cruz ay dito na agad dinakip ng mga awtoridad ang suspek.
Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng apat na sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments