Drug dealer, wanted!
@Balitang Probinsiya | Pebrero 26, 2023
KALINGA—Isang drug dealer ang pinaghahanap ng mga awtoridad matapos iwanan ang dala niyang behikulo na may kargang bulto-bultong marijuana kamakalawa sa Bgy. Lacnog, Tabuk City sa lalawigang ito.
Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng suspek.
Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang pulisya na may kargang bultu-bultong marijuana ang minamanehong behikulo ng suspek kaya tinugis nila ito.
Nabatid na inabutan ng mga awtoridad ang behikulo sa naturang lugar, pero nakatakas ang suspek.
Nang beripikahin ang laman ng sasakyan ay dito natagpuan ang 241 pakete ng marijuana.



Comments