top of page
Search
  • BULGAR

Drug dealer, todas sa shootout

@Balitang Probinsiya | April 11, 2021


CAMARINES SUR—Patay ang drug dealer nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa Bgy. San Agustin, Pili.


Ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Ronitz Ybanez, residente ng Tondo, Maynila.


Nabatid na nagsagawa ng buy-bust operation sa nasabing lugar at nang pagbentahan sila ng shabu ni Ybanez ay dito na tinangkang dakpin ang drug dealer, pero biglang pinagbabaril ng suspek ang mga operatiba.


Kaagad namang nakaganti ng putok ang mga awtoridad kaya napatay ang suspek.


Nakarekober ang mga awtoridad ng 500 gramo ng shabu, baril at mga bala sa pinangyarihan ng insidente.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page