top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Drug dealer timbog sa drug-bust

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 11, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 11, 2023



SULU—Isa sa dalawang drug dealer ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Pang, Kalingalan Caluang sa lalawigang ito.


Ang nadakip na suspek ay nakilalang si Morasad Jaiyari, samantalang pinaghahanap pa ang kasamahan nito na nakatakas na si alyas "Albasir", kapwa nakatira sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, nagsagawa ng drug-bust operation ang mga operatiba sa nasabing lugar, pero si Jaiyari lang ang nadakip at mabilis na nakatakas si "Albasir".


Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng mahigit limang gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ni Jaiyari.


Nahaharap ngayon si Jaiyari sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page