Drug dealer, tiklo sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | April 15, 2023
NEGROS OCCIDENTAL—Isang drug dealer ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. Banago, Bacolod City sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ng pulisya ang suspek habang iniimbestigahan pa ito ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba, at nang bentahan sila ng droga ng suspek ay dito na agad dinakip ng mga awtoridad ang drug dealer.
Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments