Drug dealer tiklo sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | November 20, 2022
CAVITE—Isang drug dealer ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Molino VII, Bacoor City.
Hindi muna pinangalanan ng pulisya ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.
Napag-alamang ilang operatiba ang nagpanggap na buyer ng shabu at nang pagbentahan sila ng droga ay dito na dinakip ng mga awtoridad ang suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 200 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments