Drug dealer nasakote
@Balitang Probinsiya | Enero 29, 2023
CEBU — Isang bigtime drug dealer ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Tayud, Liloan sa lalawigang ito.
Nakilala ang suspek na si Lunicito Labitad, nasa hustong gulang at nakatira sa Bgy. Quiot Pardo, Cebu City sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba, at nang bentahan sila ng droga ni Labitad ay dito na agad dinakip ng mga awtoridad ang suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng halos dalawang kilo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.



Comments