Drug dealer, nakatakas sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | November 04, 2020
North Cotabato—Isang drug dealer ang pinaghahanap ng mga awtoridad nang makatakas sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Balacayon, Pigcawayan.
Kinilala ang suspek na si Ebrahim Samama, residente ng nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nang malaman ng mga awtoridad na drug dealer si Samama ay agad sinalakay ng mga operatiba ang bahay nito pero mabilis na nakatakas ang suspek.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng dalawang pakete ng shabu, anim na motorsiklo, tatlong baril, granada at mga bala sa bahay ng suspek.
Sakaling madakip, mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 at 3-counts ng illegal possession of firearms, ammunitions and explosive.



Comments