Drug dealer, arestado
- BULGAR
- Sep 13, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | September 13, 2023
ZAMBOANGA SIBUGAY -- Isang drug dealer ang naaresto sa drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Ipil sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan pa ito ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba, at nang bentahan sila ng droga ng suspek ay dito na agad dinakip ng pulisya ang drug dealer.
Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang pakete ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments