Driver, todas sa tubig-baha

@Balitang Probinsiya | December 10, 2020
CAPIZ—Isang tricycle driver ang namatay nang tangayin ng rumaragasang tubig-baha at malunod kamakalawa sa Bgy. New Guia, Maayon.
Ang biktima ay kinikilala ng pulisya na si Cornelio Dapulasa at nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, bumuhos umano ang malakas na ulan at kasunod ang pagragasa ng tubig-baha sa nasabing lugar.
Nabatid na tinangka ni Dapulasa na maialis sa tubig-baha ang kanyang tricycle, pero tinangay ng agos ang biktima.
Kaagad sumaklolo ang mga residente, pero bangkay na nang matagpuan si Dapulasa.



Comments