Driver, tinodas ng utol

@Balitang Probinsiya | December 27, 2020
NUEVA ECIJA—Isang driver ang namatay nang saksakin ng kanyang nakababatang kapatid kamakalawa sa Bgy. Calaocan, San Jose Ciy.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Wendil Babante, 36-anyos, samantalang ang suspek ay ang kapatid nitong si Melvin, 34-anyos, kapwa residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo ang magkapatid na humantong sa pananaksak ng suspek sa biktima.
Matapos mapatay ang kanyang kapatid ay agad sumuko sa pulisya ang suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong parricide.



Comments