top of page
WINNER - MAGULANG NI VINCENT, GALIT NA GALIT NA ITINAGO SA KANILA ANG KASAL KAY BEA-FB Nan

Driver, tinodas ng helper

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 13, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | September 13, 2023


ILOILO -- Isang driver ang namatay nang pagbabarilin ng kanyang kaalitang helper kamakalawa sa City Proper, Iloilo City sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at katawan na si Darwin Ginarangan, samantalang ang suspek ay si John Mark Cabugao, kapwa nasa hustong gulang at kapwa nakatira sa naturang lungsod.


Ayon sa ulat, habang naglalakad si Ginarangan ay sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Mabilis namang nadakip ng mga rumespondeng tauhan ng pulisya ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong murder, at illegal possession of firearms and ammunitions.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page