top of page
FRANKLY - ANAK NI PATRICK, LALONG NA-BASH AT NA-BULLY-IG _onlypatrickgarcia.jpg

Driver timbog sa tangkang pagkatay ng 5 aso

BULGAR
Sep 28, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 28, 2022


NUEVA ECIJA—Isang driver ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng limang payat na aso na nakalagay sa isang sako kamakalawa sa Bgy. Conception, Gen. Tinio.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Ruel Bote, nasa hustong gulang at nakatira sa naturang barangay.


Ayon sa ulat, pinara ng mga awtoridad ang minamanehong tricycle ni Bote at nang tingnan ang laman ng isang sako ay dito nakita ng pulisya ang limang payat na aso.


Nabatid na may duda ang mga awtoridad na ibebenta ng suspek ang mga aso para katayin at ibenta ang karne nito, na ayon sa pulisya ay ipinagbabawal ng batas.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Animal Welfare Act of 2017.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page