top of page
Search
  • BULGAR

Driver, timbog sa “hot logs”

@Balitang Probinsiya | January 16, 2021



ISABELA—Isang driver ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan kamakalawa ng mga “hot logs” o mga kahoy na illegal na pinutol ang minamaneho nitong trak sa Bgy. Bella Luz, Benito Soliven.


Hindi na muna pinangalanan ng pulisya ang suspek habang nag-iimbestiga pa ang mga awtoridad.


Ayon sa ulat, may nag-tip sa pulisya na may kargang mga pinutol na punong-kahoy ang trak ang trak na minamaneho ng suspek kaya hinarang ito ng mga awtoridad.


Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng higit 6.000 board feet ng mga putol na na punong kahoy sa trak na minamaneho ng suspek.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa PD 705 o Revised Forestry Code of the Philippines.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page