Driver, tiklo sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | December 19, 2021
CAPIZ—Isang driver ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Tacas, Pontevedra.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Patrick Denaga, 32-anyos, nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na nadakip ng mga awtoridad ang suspek sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya sa nasabing lugar.
Napag-alamang nakakumpiska ang pulisya ng pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments