top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Driver, tepok sa saksak ng kaalitan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 22, 2021
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | February 22, 2021



CAPIZ—Isang 40-anyos na driver ang namatay nang saksakin ng kanyang kaalitan kamakalawa sa Bgy. Banica, Roxas City.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si Lemuel Mangao, samantalang ang suspek ay si Rey Denola, 50-anyos, kapwa residente sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo sina Mangao at Denola na humantong para saksakin ng suspek ang biktima.


Dinala pa ng mga saksi si Mangao sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival dahil sa tinamong saksak sa dibdib.


Nabatid na sinampahan na ng pulisya ng kasong murder ang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page