top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Driver, sugatan sa 10-wheeler truck

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 16, 2024
1 min read

@Balitang Probinsiya | Ika-16 ng Pebrero, 2024


CEBU -- Isang driver ang sugatan nang maatrasan ng isang ten wheeler truck ang minamaneho nitong dump truck kamakalawa sa Brgy. Lawaan, Alcantara sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si Milky Miot, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit  na lalawigan.


Ayon sa ulat, habang binabagtas sa paahon na kalsada ang ten wheeler truck ay nawalan ito ng preno kaya mabilis na umatras habang malakas na nabangga ang dump truck na minamaneho ni Miot.


Agad sumaklolo ang mga residente at rescue team, at dinala ang sugatang biktima sa ospital,


Hindi na pinangalanan ng pulisya ang driver ng ten wheeler truck dahil nangako itong sasagutin ang gastos sa ospital at danyos sa biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page