Driver patay, pahinante sugatan sa puno
- BULGAR
- Mar 24, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | March 24, 2023
QUEZON—Isang driver ang namatay at sugatan ang isang pahinante nang aksidenteng bumangga ang kinalululanan nilang trak kamakalawa sa isang puno sa Bgy. San Francisco, Tagkawayan sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Jose Aquino, 31, samantalang ang sugatan ay ang pahinante ng trak na si Nicky Abraham, 21, kapwa tubong Catanduanes.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Aquino sa pagmamaneho ng trak habang kasama ang pahinateng si Abraham kaya bumangga sa puno ang kinalululanan nilang sasakyan.
Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima.
Dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Aquino.



Comments