top of page
Search

Driver patay, pahinante sugatan sa bangin

BULGAR

@Balitang Probinsiya | Pebrero 4, 2024

QUEZON -- Isang driver ang nasawi at nasa kritikal na kalagayan naman ang pahinante nito nang mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang trak kamakalawa sa Brgy. Malicboy, Pagbilao sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang namatay na si Jeffrey Mandia, nasa hustong gulang, samantalang inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng pahinanteng biktima.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho si Mandia kaya nahulog ang kinalululanan nilang trak sa bangin.


Agad sumaklolo ang mga residente at dinala ang mga biktima sa pagamutan, pero idineklarang dead-on-arrival si Mandia.


Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na aksidente.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page