Driver ng suv, todas sa trak
@Balitang Probinsiya | March 31, 2023
ILOILO—Isang driver ang namatay nang mabangga ng isang trak ang minamaneho niyang SUV (sports utility vehicle) kamakalawa sa Bgy. Sambag, Zarraga sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Julius Desucatab, nasa hustong gulang at nakatira sa Bgy. Tiwi, Baritac Nuevo sa naturang lalawigan.
Batay sa imbestigasyon, mabilis umano ang takbo ng trak na minamaneho ng hindi pa pinangalanang driver kaya aksidente nitong nabangga ang SUV na minamaneho ng biktima.
Nabatid na nagkaroon ng malaking sugat sa ulo at katawan ang biktima dulot sa naganap na aksidente.
Dinala pa ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments