top of page

Driver ng SUV na sumalpok sa 10-wheeler van, patay!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 12, 2020
  • 1 min read

ni Ronalyn Seminiano Reonico | September 12, 2020




Patay ang driver ng SUV na sumalpok sa isang 10-wheeler delivery van ngayong Sabado nang umaga, bandang alas-10 sa Diversion Road, Lucena City.

Idineklarang dead on arrival ang SUV driver sa isang pagamutan sa naturang lungsod. Nagtamo naman ng minor injuries ang driver at pahinante ng delivery van.

Samantala, nakunan sa dashcam ng sasakyang kasunod ng delivery van na minamaneho ni video uploader Henry Magboo ang salpukan ng dalawa.

Makikita na bago naganap ang banggaan ay gumewang ang SUV at sa lakas ng pagsalpok nito sa delivery van ay napaikot pa ito at may ilan pang bahagi ng sasakyan na tumalsik. Sira rin naman ang harapan ng van.

Nasa kustodiya na ng Lucena City Police Station ang driver ng delivery van. At posible umanong ang madulas na kalsada ang dahilan ng insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page