Driver ng mini-truck, dedo sa dump truck

@Balitang Probinsiya | December 31, 2020
ILOCOS SUR—Isang driver ang namatay nang aksidenteng mabangga ng dump truck ang minamaneho niyang mini-truck kamakalawa sa Bgy. Banaoang, Bantay.
Kinilala ang biktima na si Robert Riotoc, residente ng Vigan City sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng dump truck na minamaneho ni Dennis Gonzales kaya nabangga nito ang minamanehong mini-truck ni Riotoc.
Nabatid na nagkaroon ng malubhang pinsala sa ulo at katawan si Riotoc na agad nitong ikinamatay sa naganap na aksidente.
Kusa namang sumuko sa pulisya si Gonzales na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property.



Comments