top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Driver, natagpuang patay sa kuwarto

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 14, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 14, 2021


AKLAN—Isang driver ang natagpuang patay kamakalawa sa loob ng kanyang inuupahang kuwarto sa bayan ng Altavas.


Hindi muna pinangalanan ng pulisya ang biktima na nasa hustong gulang habang hindi pa naipababatid sa pamilya nito ang pagkamatay ng driver.


Nabatid na mag-isang naninirahan sa nasabing lugar ang biktima at sa kabilang bayan nakatira ang pamilya nito.


Ayon sa ulat, ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima sa loob ng inuupahan nitong bahay.


Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya upang mabatid sanhi ng pagkamatay ng biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page