Driver naatrasan ng trak, dedbol
- BULGAR

- Nov 18, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | November 18, 2020
ALBAY—Isang driver ang namatay nang aksidenteng maatrasan at masagasaan ng trak kamakalawa sa Bgy. Aurora, Jovellar.
Nakilala ang biktima na si Madiobe Beltran, residente ng Bgy. Calzada sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, bumaba sa minamaneho niyang trak si Beltran at tiningnan sa likurang bahagi nito dahil may narinig umano itong kumakalampag at dahil hindi pantay ang kalsada ay umatras ang sasakyan at nasagasaan ang biktima.
Nabatid na halos madurog ang katawan ni Beltran at sumuka pa ito ng dugo dahil sa pagkakasaga ng trak.
Kaagad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments