Driver na pusher, timbog
- BULGAR
- Sep 8, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | September 8, 2023
ILOILO -- Isang driver na drug pusher ang nadakip sa drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Cabugao Norte, Pavia sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Wilfredo Golez, 36, nakatira sa Bgy. Poblacion sa nabanggit na bayan.
Nabatid na nagsagawa ng drug-bust operation ang mga awtoridad sa nasabing barangay kaya naaresto ang suspek.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng 10 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments