Driver na pusher arestado
@Balitang Probinsiya | March 10, 2023
ALBAY—Isang driver na drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Quirangay, Camalig sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Marty Nograles, 39, at nakatira sa nasabing lalawigan.
Nabatid na may nagbigay impormasyon sa mga awtoridad na nagbebenta ng shabu si Nograles kaya agad nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba at nadakip ang suspek.
Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang pakete ng shabu at marked money sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments