top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Driver na naka-hit and run, sumuko

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 18, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 18, 2023


NEGROS OCCIDENTAL -- Isang truck driver na naka-hit and run at nakapatay sa isang lolong biker ang sumuko kamakalawa sa pulisya ng Bacolod City sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ang sumukong driver habang iniimbestigahan pa ito ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, aksidenteng nabangga ng trak na minamaneho ng suspek ang nagbibisikletang biktima na si Noli Chan, 72 sa Bgy. Montevista sa nasabing lungsod nuong September 13, 2023.


Napag-alaman na imbes huminto at tulungang dalhin sa ospital si Chan ay tumakas ang driver kaya namatay umano ang biktima sa pinangyarihan ng aksidente.


Sinabi ng driver na nakokonsensya umano siya nang mabalitaan niyang namatay si Chan kaya nagpasya siyang sumuko sa pulisya para harapin ang mga kasong isinampa sa kanya na reckless imprudence resulting to homicide and damage to property.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page