top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Driver, dinedbol sa bahay

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 7, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 7, 2020



QUEZON—Isang driver ang namatay nang barilin ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa loob ng kanyang bahay sa Bgy. Guisguis Talon, Sariaya.


Nakilala ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo na si Allan Junio, residente sa naturang barangay.


Ayon sa ulat, habang nasa loob ng kanyang bahay si Junio ay biglang pumasok ang mga suspek at pinagbabaril ang biktima.


Mabilis na tumakas ang mga salarin matapos tiyaking patay na si Junio.


Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para mabatid ang motibo ng mga suspek sa pagpatay sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page