top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Driver, dinedbol ng pasahero

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 21, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 21, 2020



ILOCOS SUR—Isang tricycle driver ang namatay nang barilin ng isa sa dalawa niyang pasahero kamakalawa sa Bgy. San Julian Sur, Vigan City.


Ang biktima ay nakilalang si Jason Ugay, nakatira sa nabanggit na lungsod.


Ayon sa ulat, sumakay sa pinapasadang tricycle ni Ugay ang dalawang hindi kilalang lalaki, na ang isa ay sa loob ng sidecar umupo at ang isa ay umangkas sa likod ng sasakyan.


Sinabi ng mga saksi na pumara umano ang mga suspek at pagkahinto ay agad binaril ng isa sa mga salarin na nakaangkas sa likod ng tricycle ang ulo ng biktima.


Nang matiyak na patay na ang biktima ay mabilis tumakas ang mga suspek, samantalang nagpalabas na ng manhunt operations ang pulisya para madakip ang mga salarin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page