Driver dedo sa nakaparadang trak
@Balitang Probinsiya | Pebrero 20, 2023
NUEVA VIZCAYA—Isang driver ang namatay nang aksidenteng bumangga ang minamaneho niyang motorsiklo sa isang nakaparadang trak kamakalawa sa Bgy. Bonfal West. Bayombong sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Roberto Peredo, 55, at nakatira sa Bgy. Curifang, Solano sa nasabing lalawigan.
Batay sa imbestigasyon, mabilis umano ang takbo ng motorsiklong minamaneho ng biktima kaya bumangga ito sa nakaparadang trak.
Nabatid na nagkaroon ng malaking sugat sa ulo at katawan ang biktima.
Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments