top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Driver dedbol sa trak

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 19, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 19, 2023



NEGROS OCCIDENTAL --Isang driver ang namatay nang aksidenteng mabangga ng isang trak ang minamaneho niyang van kamakalawa sa Bgy. Fabrica, Sagay sa lalawigang ito.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Errol Panilagan, 51, nakatira sa Bgy. Poblacion 1 sa nabanggit na lungsod.


Batay sa imbestigasyon, mabilis umano ang takbo ng trak kaya aksidente nitong nabangga ang van na minamaneho ng biktima.


Nabatid na nagkaroon ng malaking sugat sa ulo at katawan ang biktima na agad nitong ikinamatay.


Hindi na pinangalanan ang driver ng trak matapos nitong ipangako na sasagutin niya ang gastos at danyos sa pagkamatay ng biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page