top of page
Gary V. - IG.jpg

Driver, dedbol sa bus

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 5, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 5, 2023


CAMARINES SUR -- Isang driver ang namatay nang mabangga ng isang pampasaherong bus kamakalawa sa national highway ng Bgy. Balagbag, Milaor sa lalawigang ito.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Renato Dayao, 57, residente ng Naga City sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol ang driver ng bus na si Edison Pedrezuela sa pagmamaneho kaya nabangga nito ang pick-up na minamaneho ng biktima.


Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima na agad nitong ikinamatay.


Nakapiit na ngayon si Pedrezuela na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page