top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Driver-bodyguard ng chairman, in-ambush

BULGAR
Jun 23, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 23, 2022


MAGUINDANAO–Isang driver-bodyguard ng barangay chairman ang sugatan sa isinagawang ambush ng mga hindi kilalang lalaki kamakalawa sa Bgy. Kamasi, Ampatuan.


Kinilala ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Saudi Dimalibda, nasa hustong gulang at residente ng nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Dimalibda ang SUV (Sports Utility Vehicle) ng kanyang among si Chairman Zoraida Mamafluba ng naturang barangay ay biglang humarang ang mga suspek na lulan ng kotse at agad pinagbabaril ang biktima.


Nabatid na mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril.


Ginagamot na sa ospital ang biktima, samantalang pinaghahanap na ng pulisya ang mga suspek.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page