top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Driver at pasahero, sugatan sa van

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 20, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 20, 2021


QUEZON--Isang driver at isang pasahero nito ang sugatan nang aksidenteng mabangga ng isang van ang sinasakyan nilang tricycle kamakalawa sa Bgy. Lacawan, Tayabas City.


Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina John Jaraza, driver, at Lezel Lefura, pasahero ng tricycle. at kapwa nakatira sa nabanggit na lungsod.


Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng van na minamaneho ni Patrick Guzman, 30-anyos, kaya aksidente nitong nabangga ang pinapasadang tricycle ni Jaraza na kinalululanan din ng pasaherong si Lefura.


Nabatid na nagtamo ng mga pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima na kapwa ginagamot na sa ospital.


Nakatakdang sampahan ng pulisya ng kasong reckless imprudence resulting to double physical injury and damage to property si Guzman.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page