top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Driver at laborer, tiklo sa drug-bust

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 13, 2024
1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 13, 2024

AKLAN -- Isang driver at isang laborer ang nadakip sa drug-bust operation ng mga otoridad kamakalawa sa Brgy. Poblacion, Kalibo sa lalawigang ito.

 

Ang mga suspek ay kinilala ng pulisya na sina Ruel Apolinario, tricycle driver at Rico Salarda, laborer, kapwa nasa hustong gulang at parehong residente sa nasabing bayan.

 

Ayon sa ulat, naaresto ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga operatiba sa naturang barangay.

 

Nabatid na nakakumpiska ang mga otoridad ng 14 pakete ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.

 

Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page