Driver at helper, tiklo sa drug-bust
- BULGAR

- Feb 16, 2021
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | February 16, 2021
ISABELA—Isang driver at isang helper ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Magdalena, Cabatuan.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Arce Macanas, driver at Edwin Lofredo, helper, kapwa residente ng Aparri, Cagayan.
Napag-alamang may nag-tip sa mga awtoridad na may dalang shabu sina Macanas at Lofredo kaya agad nagsagawa ng drug-bust operation dahilan kaya nadakip ang dalawang suspek.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng anim na sachets ng shabu sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments