Doble-kilos para maituloy ang pag-aaral ng mga nilindol
- BULGAR

- Jun 13
- 1 min read
by Info @Editorial | June 13, 2026

Malaking hamon sa edukasyon ang dulot ng 7.8 na lindol sa Mindanao.
Maraming paaralan ang nawasak, nasuspinde ang mga klase, at maraming estudyante ang nahirapang makapagpatuloy sa kanilang pag-aaral.
Dahil dito, kailangang magdoble-kayod upang makahabol.
Sa kabila ng mga problema, maraming mag-aaral ang umaasa na agad ding makakabalik sa pag-aaral. Ngunit hindi sapat ang kanilang kagustuhan. Dapat tiyakin ng pamahalaan at mga paaralan na may sapat na suporta upang maipagpatuloy nila ang kanilang pag-aaral.
Kailangan ang ligtas na mga paaralan kahit pansamantala, mga learning materials, at iba pang tulong upang hindi sila mapag-iwanan.
Ang edukasyon ay hindi dapat huminto dahil sa kalamidad. Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng lahat, mas mapapadali ang pagbangon ng mga estudyante at ang pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral.
Umaasa rin tayo na magiging mas handa na ang lahat sa mga ganitong sitwasyon. Hindi natin alam kung kailan tatama ang lindol, kaya mas mainam na may mga alternatibong paraan upang agad na makabangon at maipagpatuloy ang buhay lalo na para sa mga kabataan.



Comments