Disiplina pa more, para goodbye COVID na
@Editorial | September 25, 2021
Lalo pa umanong bumaba ang COVID-19 reproduction number sa National Capital Region (NCR), ayon sa OCTA Research.
Ang reproduction number ay tumutukoy sa bilang ng mga taong maaaring hawahan ng isang COVID-19 positive patient.
Kaugnay nito, bumaba pa umano sa 0.97 mula sa 0.99 na iniulat ng kamakalawa.
Ayon pa sa grupo, ang pagbaba ng COVID cases sa NCR ay nagsimula nang inilagay ang rehiyon sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ), gayundin sa pagpapatupad ng granular lockdowns. Sa ngayon, nasa ilalim pa rin ng Alert Level 4 ang Metro Manila.
Umaasa tayong magtutuluy-tuloy na ang pagbaba ng hawahan, masasabing magandang pahiwatig na sasalubungin natin ang 2022 nang mas ligtas at masaya.
Bukod sa mga ipinatutupad na paghihigpit at mga programa kontra-COVID, malaking bagay na ito’y sinusunod. Bagama’t may mga pasaway, mas marami pa rin ang talagang sumusunod sa mga protocols.
Ang layunin natin ay ang tuluyang bumaba ang kaso ng COVID at makontrol ang sitwasyon, kasabay nito ang unti-unting pagbangon mula sa krisis.
Palagi lang tayo magkaroon ng positibong pananaw, iwasan ang gulo. Masyado na tayong natengga sa pandemyang ito, kailangan na nating umusad.



Comments