top of page
Search
  • BULGAR

'Di pa rin makabalik sa TV…ALDEN, JOIN SA MGA KAPWA ARTISTA, MAY YOUTUBE CHANNEL NA


ni Nitz Miralles - @Bida | August 11, 2020




Hindi tumigil si Alden Richards hanggang hindi nahahanap ang lolo na nakita niya sa Facebook na kahit matanda na ay araw-araw nagtitinda sa gilid ng kalsada para ibuhay sa pamilya nito. Nagpatulong si Alden sa mga netizens na hanapin ang matanda na taga-Laguna pala kaya nahanap agad.


Nasa Metro Manila si Alden nang ipinahanap ang matanda, kaya ang ama niyang si Daddy Bae na lang ang naghatid ng tulong. Parang cash at grocery goods ang ibinigay nina Alden at Daddy Bae sa matanda at sa pamilya nito.


Anyway, welcome sa mga fans ni Alden na baka next month, may YouTube channel na siya kung magpapatuloy ang “new normal” sa showbiz. Kaya habang hindi pa nagre-resume ang Centerstage at via Zoom ang All-Out Sundays, maganda nga naman kung mapapanood si Alden sa YT.


Ang posibleng maging laman ng YT channel ni Alden ay live streaming ng kanyang online games na napapanood na rin sa kanyang FB page.


Samantala, second day na ngayon ng rerun ng One True Love nina Alden at Louise delos Reyes. Kino-consider ni Alden na isa sa mga favorite projects niya sa GMA-7 ang OTL na airing at 4:15 PM after Stairway to Heaven.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page