top of page
Search
  • BULGAR

'Di lang daw basta mali, 'di rin makatao…

JENNYLYN SA MGA TUWANG-TUWANG NAIPASARA ANG DOS: ANG LUPIT N'YO!

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | July 12, 2020




Labis ding ikinalungkot ni Kapuso actress Jennylyn Mercado ang pagkaka-deny ng prangkisa ng ABS-CBN last Friday, July 10.


Sa kanyang mahabang post sa Facebook matapos lumabas ang desisyon, nakisimpatya si Jen sa mga Kapamilya na lumuluha at nawalan ng trabaho kasabay ng pagkondena sa mga taong nagbubunyi sa pagsasara ng network.


“Sa mga lumuha at nawalan, our prayers and hearts are with you.

"Sa mga taong tuwang-tuwa sa mga pangyayari, huwag n'yo sanang danasin ang lumuha rin at mawalan.


“Hindi ba na tinuruan tayo ng ating mga magulang na maging makatao sa kapwa?

“Rejoicing because of other people’s sorrow is not only wrong, but inhumane. You are cruel,” ang unang post ni Jen.


Kasunod nito ay pinuna rin niya ang mga pulitiko na lumalabag sa batas pero hindi napaparusahan.


“Ang daling sabihin para sa inyo na 'Law is Law' pero ang mga pulitiko o may kapangyarihan na lumabag nito ay hindi naman nakaranas ng parusa para sa batas na nilabag nila.

“If you say that, then everyone should be held at the same standard.

“Huwag muna tayo mag-Mañanita,” saad pa niya.


“No network is perfect, policies can and will be improved. Ang importante ngayon, ang mga taong nawalan ng trabaho lalo na at pandemya.


“Ang daling sabihin na okay lang sa inyo kasi sa tingin ninyo ay hindi kayo naapektuhan. Pero sana, kahit saglit ay ilagay ninyo ang sarili sa posisyon nila. Huwag kayong maging manhid sa hirap na nararanasan ng iba.


“Will pray for everyone to be enlightened and to remember the values that makes us human...

“Please be kind to one another,” patuloy ng Kapuso Ultimate Star.


Ayon pa kay Jen ay hindi lang ang mga Kapamilya employees ang apektado sa pagsasara ng network.


“Kung sa tingin mo, ang mga taga-Abs lang ang apektado, paano ang mga tao na kumikita indirectly sa network?


“Caterers sa set, drivers, equipment rental houses at mga empleyado nila, mga cameraman at tech team, talent managers, mga assistant ng mga artista, talent suppliers, mga talents o bit players, freelance production designers, freelance writers, ang mga may-ari ng mga restaurants na malapit sa Abs, ang mga tauhan nito, at madami pang iba.


“Libu-libong tao ang nawalan din ng trabaho. Lahat ay naapektuhan at maaapektuhan. Paano na sila?” pahayag pa ng aktres.


Noon pa ay isa na si Jen sa mga Kapuso stars na sumusuporta sa franchise renewal of ABS-CBN at matapang na nagpapahayag ng pagtatanggol sa network.

1 comment

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page