top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

‘Di kagandahan pero kinaiinggitan, ayaw nang maintriga

BULGAR
Jul 20, 2022
2 min read

ni Sister Isabel del Mundo - @MgaKuwentongBuhayatPag-ibig | July 20, 2022


Dear Sister Isabel,


Ang problema ko ay tungkol sa aking pagkatao. Palagi akong napapasama sa intriga, gayung mabait naman ako at halos hindi lumalabas ng bahay kundi sa simbahan lang. Pero kahit pala sa loob ng simbahan ay punumpuno rin ng tsismisan at intrigahan, at madalas ay ako ang biktima ng pagiging judgmental ng mga taong nakapaligid sa akin.


Nagtataka ako dahil kinaiinggitan ako ng mga kasamahan ko at kahit ang mga itinuturing kong kaibigan ay lihim ko palang kaaway. Sinisiraan pala nila ako kapag nakatalikod at muntik ko nang masapak ‘yung isa, buti na lang ay nakapagpigil ako.


Hindi naman ako mayaman para kainggitan, hindi rin naman ako sobrang ganda, pero bakit insecure na insecure sila sa akin?


Ano ang gagawin ko para mabago ko ang intriguing personality ko? Hihintayin ko ang payo n’yo. Maraming salamat at sana ay dumami pa ang mga tagasubaybay n’yo.


Nagpapasalamat,

Blesilda ng Zambales



Sa iyo, Blesilda,


Sadyang may mga taong ipinanganak na nagtataglay ng intriguing personality. Sila ‘yung kahit wala kang ginagawang hindi kanais-nais ay napapasama pa rin sa intriga at isa ka na ru’n. Ang the best na solusyon ay huwag mo silang pansinin at hayaan mong mamatay sila sa inggit.


Gayunman, ituloy mo lang ang pagiging totoong tao na walang bahid ng pagkukunwari sa mga kilos at pag-uugali. Lalong sasaiyo ang magandang kapalaran kung hindi mo sila papatulan. Gamitin mo ang kakayahang ipinagkaloob sa iyo ng Diyos sa mabuting pakikitungo sa kapwa at makikita mo na ang mga taong paborito kang isama sa mga intriga ay kusang titigil at makikiayon na sa magaganda mong mithiin sa buhay.


Muli, huwag mong patulan ang iyong kaaway. Sa halip, ipagdasal mo sila sa Diyos Amang Kataas-taasan. Ang Diyos ay makatarungan at makikita mo na isa-isa silang magbabago.


Sumasaiyo,

Sister Isabel del Mundo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page