top of page
RUN WILD - VICE AT MVP, NAGSANIB-PUWERSA PARA MAKA-SURVIVE ANG TV INDUSTRY-IG _praybeytben

DepEd sa mga guro: Sangla-ATM, delikado

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 1 min read

ni Mervin Reyes @News | August 14, 2026



DepEd sa mga guro: Sangla-ATM, delikado

Photo: File



Muling nagpaalala ang Department of Education (DepEd) sa mga personnel nito na bawal gawing collateral sa utang ang kanilang ATM payroll cards.


Sa DepEd Memorandum No. 049, s. 2026 na inilabas noong Agosto 12, sinabi ng ahensya na mataas ang panganib sa tinatawag na “Sangla-ATM” dahil maaaring humantong ito sa hindi kontroladong pag-withdraw, pagsasamantala sa pananalapi, labis na pagkakautang at maling paggamit ng personal na impormasyon.


Pinayuhan ang mga personnel na kumuha lamang ng pautang sa mga lehitimo at awtorisadong institusyon, kabilang ang mga loan program ng Government Service Insurance System (GSIS), DepEd Provident Fund, Land Bank of the Philippines at Pag-IBIG Fund.


Maaari rin silang umutang sa mga lending company na rehistrado at lisensyado ng Securities and Exchange Commission (SEC), gayundin sa mga pribadong lending institution na akreditado ng DepEd at nag-aalok ng malinaw at makatwirang terms.


Inatasan naman ng DepEd ang lahat ng tanggapan at paaralan na agad na ipalaganap ang paalala at tiyakin ang mahigpit na pagsunod dito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page